Add parallel Print Page Options

33 Hindi rin pinaalis ng lipi ni Neftali ang mga taga-Beth-semes at Beth-anat. Sila'y sama-samang nanirahan doon ngunit inalipin nila ang mga tagaroon.

34 Ang lipi naman ni Dan ay napaurong ng mga Amoreo papuntang bulubundukin. Hindi sila pinayagan ng mga Amoreo na makapanirahan sa kapatagan, sa halip ay itinaboy sila sa kaburulan. 35 Hindi umalis sa Heres, Ayalon at Saalbim ang mga Amoreo, ngunit dumating ang araw na nasakop sila ng mga lipi ni Jose at inalipin sila ng mga ito.

Read full chapter